ANONG PANGHAHAWAKAN KO BILANG INVESTOR?
STATEMENT OF ACCOUNT(SOA)
Bawat company ay may Statement of Account pinapadala sa mga Investors. Sa loob ng SOA makikita ang current price ng shares mo, numbers of shares na nabili mo including yung mga prices noong nabili mo. Higit sa lahat makikita mo kung magkano na ang TOTAL MARKET VALUE.
Ang policy ng pagpapadala ng SOA ay hindi pare pareho at depende sa bawat company. May monthly,quarterly at yung iba online na. Pinapadala nila eto sa email na naka PDF File and lock in password.